Megamall, Movies & Milk Tea

Ang dami kasing kwento. As in madami. Syempre, limang buwan ka ba namang nasa ibang bansa ‘eh ‘di malamang marami kang maikukwento pagbalik mo. At syempre maraming pictures. At kung anu-ano pa. Pero, alam n’yo naman ako, fan ako ng storytelling na may iba’t ibang vocal stylings, hand gestures at facial expressions. Lalo kung mga pangyayari sa sariling buhay ang ikukwento mo. Kung kaya’t, hindi ako magblo-blog tungkol sa mga nangyari sa New Zealand. Anyway, I don’t think meron din naman sa inyong ganun ka-interesado na magbabasa pa ng 5-months-worth of kwento about New Zealand.

So ngayon, anong ilalagay ko dito sa blog ko? Alangan namang hindi na’ko mag-update kahit kelan? Nakakalungkot naman ‘yun. Ang totoo, namiss ko ring mag-update dito nung nasa New Zealand ako. Ang hirap lang kasi mag-update kasi sobrang bagal ng WordPress ‘dun. Ewan ko rin bakit. Hindi blog-friendly ‘yung bansa na ‘yun. Kaya nga ngayong nasa Pinas na’ko ulit, parang dapat mag-update na’ko dito. Pero tungkol saan?

Magkukwento na lang ako tungkol sa mga pangyayari since nakauwi ako. May mga sampung araw na rin naman.

Megamall

Sa hindi sinasadyang paraan, nangyaring nakapunta na’ko sa Megamall nang tatlong beses mula nang dumating ako sa Pinas. Kinukwento ko kasi hindi naman ako madalas nagpupunta ‘dun. Bakit ako pupunta ‘eh ang layu-layo mula sa bahay namin? Pero nagkataong may mga dahilan ako para magpunta ‘dun. At ngayon, makalipas ang ilang beses na pagpunta ‘dun, gusto ko lang sabihin, na hindi ko pa rin siya gusto. ATC ‘da best pa rin! Hahaha! Masyado ba akong loyalista? Sige na nga, aaminin kong may benefits din naman ang pagpunta ‘dun, tulad ng pagiging magkakalapit ng Bon Chon Chicken, Krispy Kreme, atbp. Pero ATC pa rin. (Ang kulet!)

Movies

At dahil ang mahal mahal manood ng sine sa NZ, konti lang ang napanood ko. Or, actually I think by NZ standards ‘eh medyo marami na ‘yun. Pero kung ikukumpara mo sa usual kong panonood ng sine dito sa Pinas, which is halos 1 movie a week, sobrang konti nung mga pinanood kong sine sa NZ. Sa totoo lang, alam kong maganda ang buhay sa mga bansang 1st world, pero naman, P550 para sa sine?! Sobrang na-appreciate ko talaga na dito, P300 lang ‘eh naka-3D ka na. Kaya ayan, 10 days pa lang ako ulit dito sa Pinas, nakatatlong sine na’ko: Ligo na U, Lapit na MeHorrible Bosses, at What’s Your Number?

Sa tatlo, pinakanagustuhan ko ‘yung What’s Your Number? And mainly because gwapo si Chris Evans at nakakatuwa si Anna Faris. Of course, ‘yung kwento niya is predictable typical romantic comedy, pero better than any of Katherine Heigl’s movies naman ‘no. Pinakanadisappoint ako ‘dun sa Ligo na U, Lapit na Me. Kasi naman akala ko maganda dahil local indie film, ‘yung tipong, Dinig Sana Kita o kaya Endo level. But, no. Realistic lang siya, pero dahil nga sa sobrang pagka-realistic, hindi siya ganun ka-interesting. Then ‘yung Horrible Bosses naman, ‘yun ‘yung movieng, pwede na. Hindi maganda, pero hindi rin naman sobrang panget. At natuwa na rin ako dahil kasama sa writing team si John Francis Daley. 🙂

Milk Tea

Milk tea! 😀

Sa lahat ng namiss ko sa Pilipinas, pinakanamiss ko ang pagkain. Hindi nga. Ewan ko ba. Alam kong maganda ang mga 1st world countries dahil maayos ang gobyerno nila, reliable ang mga ospital at hindi mataas ang crime rate, pero… iniisip ko na baka kung lahat ng tao sa Pilipinas ‘eh ma-experience ang buhay sa ibang bansa, sobrang mas-maaappreciate nila ‘yung mga bagay dito sa Pilipinas na hindi naman natin talagang pinag-iisipan. Katulad ng, pwede kang mag-tsinelas araw-araw. O kaya, ng milk tea.

Ang sarap ng milk tea ng Gong Cha. As in. Masayang-masaya ako na triny ko siya nung nasa Glorietta 4 ako. And although sinasabi nila na “novelty drinks” lang ang milk tea at eventually mawawala sila sa uso katulad ng nangyari sa Zagu, masaya ako na at least meron siya sa Pilipinas for a while. At na meron ditong coffee jelly. Alam n’yo ba na walang coffee jelly sa New Zealand? And yes, masarap ang steak ‘dun at patatas at apples, pero dito may mango shake! At turron! At Gong Cha Milk Earl Grey Tea with Pearls!

Ang labo ba ng mga kwento ko? Ang hirap kasi talaga mag-explain. Pero baka pwede kong i-sum up in one sentence: I’m home. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s