Lokal

I Missed the UP Fair!

It feels sort of strange since I’ve been going the past couple of years. Nevermind that I’m not from UP and that for the last 2 years was going with people who aren’t from UP either. ‘Eh hindi rin naman UP students lahat ng nagra-riot ‘dun ‘eh. Pero gusto ko talaga ‘yung event na ‘yun kasi feeling ko dapat ganun ang mga event sa college.

I’m not saying I don’t like the university I studied in. Of course, magandang mag-aral sa mga non-government funded schools dahil mas-maganda ang classrooms, mas-updated ang facilities, at may Coffee Bean and Tea Leaf sa library (san ka pa?!), but I really felt like I missed out on things like, social awareness. Haha! I know, hindi naman lahat ng UP students ‘eh aktibista at marami ding mga mayayaman ‘dun na walang pakialam kung magkagulo sa paligid nila dahil meron sila parating option na mag-migrate sa 1st world country, and that when you get right down to it, nasa tao naman talaga ang galing at maliit lang na percentage sa kung anong school siya nag-aral, and hindi ko naman nireresent ‘yung college experience ko, pero naiisip ko lang na siguro sobrang kakaiba ‘yung experience kung sakaling pumasa ako ng UPCAT at nag-aral sa UP, as opposed to if sa ibang private university rin ako nag-aral. I mean, feeling ko pare-pareho lang ang private universities, and that UP lang talaga ‘yung naiba.

Or maybe, gusto ko lang talaga ‘yung UP fair kasi mahilig ako sa OPM, fishball at deprived ako sa mga perya activities dahil wala namang ganun sa lugar namin kasi wala akong probinsya at never ko na-experience ang fiesta sa probinsya. Feeling ko parang ‘yun ang equivalent ng provincial fiesta para sa mga college students.

Anyway, hindi ako nagpunta this year dahil unavailable ‘yung mga madalas kong kasama, and wala akong pera (O diba, alam mo talagang wala kang pera kung mas-mahirap ka pa sa mga iskolar ng bayan hehe!). ‘Eh paano next year, wala nang Sugarfree sa UP Fair? ‘Eh ‘di baka hindi na rin ako ma-motivate magpunta. Or is this a sign that I should finally outgrow the UP Fair? Pang-college students kasi ‘yun! Bakit nga ba ako nakikisingit?!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s