Happy Family Day

Kwentong buhay naman (with pictures) !

Kahapon, graduation ng kuya ko from his MBA class. So nagpunta kami — my parents, lolo, tita and pinsan. Medyo significant dahil hindi kami naka-attend ng graduation ng kuya ko nung college. Mahabang kwento kung bakit. Suffice it to say that kapag na-late ka pala sa graduation ceremony mo, may possibility na hindi ka i-allow na mag-march. 😐 Anyway, ayun na nga. So medyo excited kami na manood ng graduation ngayon. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa graduation ceremony. Maliit lang kasi ang pamilya namin at halos lahat ng pinsan ko ‘eh matatanda na sa’kin kaya hindi ko na talaga naabutan ‘yung mga graduation nila. O kaya naman, limited lang ang seats ‘dun sa graduation kaya hindi na rin ako nakakasama. Not that gusto ko talaga sumama, lalo ‘yung mga high school/grade school graduation, ‘eh diba super boring naman tapos nasa gym ka na mainit tapos isa lang naman ang kilala mo sa mga gragraduate? 😛 Pero ‘yung kahapon oks lang, masaya kasi kaunti lang ang graduates (mga 70 lang sila) so hindi ganun katagal ‘yung ceremony tapos aircon ‘yung venue, hindi mahaba/boring ‘yung speeches at may pagkain afterwards. 🙂

MBA Graduates 2010
Buffet Table at Graduation Venue
(L-R) Kuya, Papa, Mama, Tita, Pinsan, Lolo

And even better, after nung ceremony mismo at nung cocktails ‘dun sa venue, nag-lunch kami ng family sa Tsumura, Japanese restaurant sa Makati. Super sarap. 😀 Here are some of what we ate (Hindi ko na nakunan ng picture lahat, pasensya na. Gutom ‘eh! Hehe!), hindi ko na isa-isahin ng description, masarap naman ‘yan lahat. 🙂

edamame
sahimi platter
mixed teriyaki barbecue (chicken, pork, beef)
cheese and fish tempura

Then hinatid namin ‘yung lolo ko sa bahay, tapos attend ng mass ‘dun sa simbahan sa Magallanes, and then daan ng Starbucks Madrigal para madagdagan naman ng stickers ‘yung booklet ko. 🙂 Nakakatuwa, ang sabi ko ‘dun sa barista, “Tatlong Praline Mocha. Isang short, isang tall, isang grande.”

I half-expected her to say, “Ba’t ‘di mo na lang gawing apat para meron ka ring venti?” But she didn’t.

Pero nung ‘pag balik ko sa car tapos kinwento ko sa kanila kung anong nangyari, sabi ng kuya ko, “Hindi ba niya sinabi na sana ginawa mo na lang apat para meron ka ring venti?” Haha!

Me and Christmas Tree

Pahabol na picture, dahil ang pakilala sa’kin during the ceremony ‘eh photographer/sister nung graduate, nagpapicture ako ng solo sa Christmas tree sa lobby ng dorm ng AIM. 🙂

Advertisements

4 thoughts on “Happy Family Day

  1. si Bea na ba yun? at un pala un Tsumura na mahal.. hehe.. meron bang branch yan sa Katipunan? or sa Makati lang tlga.. parang nakwento na yan sakin ng brother ko eh.. hehe.. Try mo rin sa Omakase.. kung di mo pa na try.. yummy rin!

    1. yep, si bea na ‘yun. 5’4″ na ang height nya, say mo! she’s so grown up!
      ‘yung tsumura, ewan ko lang kung may ibang branch. actually nung araw na ‘yan ko lang din nalaman na merong ganyang restaurant. in fairness, gets ko kung bakit mahal siya kasi parang super authentic japanese nga ‘yung food, hindi katulad ng teriyaki boy na puro rice bowls and stuff w/ teriyaki sauce lang. masarap ‘yung sashimi kahit walang toyo (alam mo naman hindi ako mahilig sa toyo hehe) and marami silang japanese drinks (‘yung mga tea and japanese beer).

      saan ‘yung omakase?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s