Life

Dreams VS Love

Ganito kasi ‘yan…

‘Pag wala kang pera, pwede kang magtrabaho para magkapera.

‘Pag bumagsak ka sa school, pwede kang mag-aral para makapasa.

‘Pag may sakit ka, pwede kang bumili ng gamot para gumaling.

Pero ‘pag ‘yung mahal mo ‘eh ayaw sa’yo, wala kang magagawa. Wala.

Lahat daw ng bagay, makukuha ng sipag at tiyaga. Kung gusto mong kumain ng apoy, matututunan mo kung mag-praktis ka araw-araw. Nung isang araw sa Oprah, mayroong African woman na pinagbawalan mag-aral dun sa rural village sa Africa kung saan siya nakatira (kasi bawal sa school nila ang mga babae), pero dahil sa sobrang determined niya ‘eh nakaabot siya ng U.S. at nakakuha ng Bachelor’s degree, Masters degree at pati PhD. Dahil pursigido siya. Nagkaroon daw siya ng inspiration kasi nung may bumisitang taga-NGO sa village nila at tinanong siya anong dream niya at sinabi niyang, “I want to study and earn a PhD,” sinabihan siya ng “It can be achievable.” So ayun, na-achieve niya nga ‘yung dream niya.

Bakit ang mga sucess stories puro tungkol sa ganyan? Sa business. Sa school. “Hardwork leads to success.” Pero lahat ‘yan, walang kwenta sa love. Hindi transferable. Hindi porke’t pursigido ka, ‘eh mamahalin ka rin ng mahal mo. Kahit gaano ka pa kasipag, kayaman, kaganda, kabait, hindi guarantee na hindi ka iiwanan at ipagpapalit. Sa ibang bagay, applicable ang “Try and try until you succeed.” Pero sa love, ‘pag try ka nang try, sasabihan ka ng, “Wala ka na bang ibang inisip?” o kaya ng, “‘Wag mo kasing ipilit. Darating rin ‘yan.”

I wonder, what if ako ‘yung nasa African village, and the NGO worker asked me what my dream was, tapos ang sinagot ko sa kanya ‘eh, “Sana mahalin niya ako.” Ano kayang sasabihin niya? “It can be achievable” pa rin kaya? O baka matameme siya. Baka sabihin niya, “Magbigay ka pa ng ibang dream. Kahit ano, ‘wag lang related sa love.”

Advertisements

2 thoughts on “Dreams VS Love”

  1. Pag love kasi, yung isang party eh tao. May sariling isip, mahirap pilitin. Dalawa kasi kayo nagvavary ng isip at saloobin. Sa tingin ko same din with business. Hindi for sure ang success dahil you have competitors, sa workplace hindi rin dahil may politica din di ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s