Life, Lokal

Yuck! I mean, Aray!!

Or, no wait, I mean, YUCK!!! 😥

Nadapa ako.

Wait, hindi lang nadapa. As in ‘yung tipong dapa na napadapa ako. Sa kalsada. At hindi lang kahit anong kalsada. Sa Edsa. Specifically, sa baba ng Ayala MRT Station sa Edsa. Oo ‘dun. ‘Dun sa marumi at mabaho at maraming kalat at yuck yuck yuck kadiring kadiring kalsada na ‘yun. Yuck. Yuck!!

😯

Na-off balance yata ako o kung anuman. ‘Di ko alam ang dahilan. Basta alam ko ‘pag baba ko sa bus, ‘pag lakad ko ng ilang hakbang, bigla na lang, BLAG!

Nakadapa na’ko sa kalsada. Waaaahhh! 😥

Hindi pa nga ako nakatayo agad. Partly, dahil sa gulat. And partly, dahil ‘di ako makapaniwala na nakadapa ako sa maruming kalsada. Sa totoo lang, ni hindi ko napansin ‘yung sakit. Ang una kong naisip, “Yuuuuuuccckkk!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Kasi naman, yuck talaga! I mean, ni hindi ko nga gustong hawakan ‘yung handrails sa stairs ‘dun at iniiwasan kong tumama o dumikit ang kahit anong parte ng maski damit ko sa dingding kasi marumi talaga ‘dun at mapanghi at maraming kalat ay may basa-basa tapos madadapa ako!??!

😥

Mabuti na lang, hindi ako nanakawan. At mabuti na lang, hindi ganun kalala ‘yung pagkadapa ko. May gasgas lang ‘yung isang kamay ko, na nilagyan ko agad ng alcohol (kahit mahapdi!) pagka-upo ko pa lang sa bus, at dali-dali kong hinugasan ng tubig pagkadating na pagkadating ko sa opisina. Mamaya, hihingi ako ng band aid sa clinic. Gusto ko ngang magpalinis na rin nung sugat. Pwede kaya ‘yun? Kung pwede nga lang maligo ulit, kahit basa pa ang buhok ko, maliligo talaga ako ulit at magpapalit ng damit!

Ayun lang naman. Pampagising sa’kin ngayong umaga. Hay. Bwiset.

I mean, yuck. 😐

Advertisements

3 thoughts on “Yuck! I mean, Aray!!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s