Randomization

Tinatamad na’ko. Random na’to!

Putting Into Perspective

Bumili ako ng TV today. Hindi nga. Bumili talaga ako. Sa Abenson Alabang pa nga ‘eh. May resibo ako to prove it (which by the way, hindi ko pwedeng mawala para sa warranty). Kasama ko si Ate E (my nanny when I was a kid) at Kuya J (her husband). Actually, bumili ako ng TV para sa kanila. Naka-sale kasi. 14″ na LG, Php2990.00 na lang (previously 4k+). Naisip ko nung una na mahal din ‘yun. 3 thousand pesos din na isang araw lang magagastos. But then naalala ko ‘yung phone bill ko na binayaran ko 2 weeks ago. Php3,315.72 ang amount.

Akalain mo ‘yun. Mas-mahal pa sa colored TV ang mga text at tawag ko sa mga kaibigan at kamag-anak. ‘Yun pala dapat palagi kong sinasabi ‘pag may hindi nagrereply para makonsensya sila ng konti: Alam n’yo ba na kung hindi ko kayo tinetext o tinatawagan ‘eh makakabili na’ko ng colored TV?!

Effective kaya? Tingin n’yo? 😉

Palengke Shopping

Nung Sabado napadaan ako sa palengke. Kailangan lang, kasi ‘dun ang sakayan ng dyip pauwi sa’min. Dadaan lang talaga ako dapat kaya lang napatigil ako sa mga tindahan. Nagbebenta kasi ng pang-regalo sa Valentine’s Day. ‘Eh cute naman kaya tinanong ko kung magkano. Meron ako isang nagustuhan, maliit na stuffed toy na may akap na heart na nasa stick. Cute talaga kahit hindi ko alam kung bear ba ‘yun o daga. Twenty pesos lang daw sabi nung aleng nagbebenta. Sa tabi nun, mayroong mas-malaking stuffed toy. Eto sigurado akong bear. Tinanong ko rin kung magkano.  Fifty pesos daw. Pero dahil mas-cute ‘yung una kong nakita, sabi ko ‘yung twenty pesos na lang ang bibilhin ko. Sabi ba naman sa’kin nung tindera, ‘Wag n’yong tipirin ang mga mahal n’yo sa buhay.

***

Napadaan din ako sa dibidihan. At dahil isa sa mga frustration ko sa buhay ‘eh na hindi ako nakakadaan madalas sa bentahan ng mga dibidi kung kaya’t kaunti lang ang mga TV series at movies na napapanood ko nang marathon dahil kadalasan sa internet lang ako nanonood (na hindi ganun ka-reliable dahil maraming dead na links at mabagal ang internet minsan), huminto ako at tumingin-tingin ng dibidi. At dahil malas ako, puro action movies ang meron sila. Pero meron din akong nabili. At nagulat ako na meron palang dibidi version ito: The Complete Tagalog Version of Boys Over Flowers.

Ayos. Meron akong Boys Over Flowers na subtitled, pero hanggang Episode 6 lang. At sabi ko nga, hindi ako magaling mag-download kaya hindi pa’ko nakaka-download nung mga kasunod nun. Kaya ayun, binili ko na lang. Tutal, kumpleto na daw ‘yun. Pero syempre, dahil nga dibidi siya, malabo ‘yung picture. Sobrang pixelated. Pero at least malinaw ‘yung sound. So sige, pwede na rin pagtiyagaan. At baka sakaling mas-madali akong maka-concentrate kapag ganun ang image quality. Kasi naman…

Paalala sa mga gumagawa ng TV Shows

‘Wag n’yo na sana gawing masyadong gwapo ‘yung bida! Nadidistract ako ‘eh! Hahaha. Hindi nga! Pangalawang beses nang nangyari sa’kin na sa kakatitig sa mukha nung bidang lalake ‘eh hindi ko na nabasa ‘yung subtitle ng dialogue at ayun, 5 minutes later, hindi ko na alam anong nangyayari. Not that hindi ko rin naman gusto i-rewind, kaya lang, nakakasira rin ng player ‘yung lagi mong nirerewind, diba?

Unang beses nangyari sa’kin sa Wonderful Life na hanggang ngayon ‘eh pinaniniwalaan kong ang J-drama kung saan pinakagwapo si Sorimachi Takashi. Tapos ngayon dito naman sa Boys Over Flowers. At ang tinutukoy kong nakaka-distract ‘eh si Lee Min Ho na gumaganap na Goo Jun Pyo. Bwisit siya. Mabuti na lang, alam na alam ko na ang kwento ng Boys Over Flowers para kahit may ma-miss akong mga linya ‘eh medyo alam ko pa rin ang nangyayari. Pero talaga promise, nakaka-distract.

Lee Min Ho as Goo Jun Pyo

UP Fair 2010!

O, ‘wag na kayong humirit na hindi ako taga-UP at na hindi rin taga-UP ang mga friends kong kasama kong nagpunta sa UP Fair. Bakit, hindi naman bawal diba? Ganito kasi ‘yan, nung bata ako (haha!) palagi akong dinadala ng ate kong taga-UP sa UP Fair kasama ‘yung mga kaibigan niya. Kaya ayun, nasanay na’ko na tuwing 2nd week of February ‘eh may lakad ako sa UP. Katunayan, maski nung nasa New Zealand na si Ate, may isang year pa na nagpunta ako sa UP Fair kasama ‘yung mga kaibigan niya kahit siya hindi. O diba? ‘Yun nga lang, matapos ang taon na ‘yun, pati ‘yung mga kaibigan niya ‘eh nag-abroad na rin kaya ayun, nawalan na’ko ng kasama. Nag-yaya na lang ako ng mga sarili kong friends. And this year, natuloy na rin kami ni K at L.

Actually last year, nagpunta rin kami. Pero dahil late na kami dumating at wala pa kaming ticket, at 10PM na ‘eh nasa pila pa rin kami, hindi na lang kami tumuloy. Kumain na lang kami sa Mister Kabab. Kaya nga this year, maaga na kaming dumating. 7:30PM pa lang, nandun na kami. Kaya nakakain kami ng barbecue with rice, fishballs, isaw, at inihaw na mais. Masarap! Mura pa. Bawat bili namin ‘eh tigbebente lang ang nilalabas namin sa wallet. Ang saya! Sabi nga ni K, “Sana lahat ng gimik ganito ka-mura!

Nanood rin kami ng ibang known and unknown bands. Sinadya naming panoorin ang Imago. Tapos ‘yung Pedicab, nasa ferris wheel kami nung performance nila ‘eh. Tapos naabutan namin ang Bloodshedd, kung sinuman ‘yun, plus April Morning Skies, Valley of Chrome, Giniling Festival, tapos Itchyworms at Sugarfree with the Manila Symphony Orchestra. Umalis na kami after nun kasi feeling namin nasulit na namin ‘yung Php90 na ticket. 🙂

Nakapagpa-picture din pala kami sa usong-usong concept ngayon sa mga events na photo booth:

Pagkatapos, kumain ulit kami sa Mister Kabab, pero ‘yung sa UP-AyalaLand TechnoHub na branch. Wala lang, reminiscing lang ng ginawa namin last UP Fair.

Anyway, ang ending ‘eh kinabukasan na’ko naka-uwi at nakatulog ako buong maghapon.

Birthday Party w/ Games VS Financial Management Exam

Ang masaya, nung Sabado, nag-attend ako ng birthday party na may games. Take note: Birthday party. Hindi children’s party. Actually joint birthday party ng tatlo sa officemates ko at lahat sila ay 20+. Pero nag-games kami. Pass the Message at Charades. Nanalo ako ng Flat Tops. 🙂

Tapos wala lang, gusto ko lang i-compare sa Sabado ng kuya ko, nag-take siya ng exam sa MBA class niya. Nakakatawa lang kasi nung Sunday at kumakain kami ng lunch sa bahay, matapos kong magkwento sa parents namin tungkol sa mga kakaibang signs sa Charades at mga pandaraya sa Pass the Message, ang kwento ng kuya ko ‘eh tungkol sa asset schedules at net book value at equity chuva. Interesting table conversation ‘eh?

Sick

Oo nga pala. Muntik ko na malimutan. May sakit nga pala ako. Hassle. Madami pa sana akong kwento kaya lang… antokkk na’koooo….zzzz….zz…

Advertisements

6 thoughts on “Randomization

  1. lee min ho.

    he’s not super hunky pero at least mas maramin siyang laman kaysa kay jun matsumoto (who really needs to eat more, otherwise im sending him to the malnutrition ward)

    lee min ho.

    ..droolz.

    *slaps self*

    1. @Les: Ahehehe. I love Matsumoto Jun, too. But Lee Min Ho is… different. I think he’s my favorite Domyouji

      I’m now wanting to write a list of my favorite casting for each character in HYD. Hehehe. Because as much as I love Oguri Shun and Ji Hoo, I still find myself missing Vic Zhou as Hua Ze Lei. Hehehe. Basta.

  2. i think favorite ko rin si lee min ho. i think if jun matsumoto had more… meat, he’d be my favorite? heehee. XD

    i like the Rui’s casting as well. Pero i guess meron ngang effect si vic zhou. hehe. pero ampayat din niya eh. i guess im not fond of skinny boys. they’re ..pointy… wehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s