Avatar!

Just saw Avatar last night. Story and dialogue were… whatever. Pero everything else, pucha ASTIG!!!!

I think it would be a lot cooler in 3D, but the 2D version is already pretty great. Anyway, I wasn’t really expecting much regarding the story, considering that this is a James Cameron film, so yeah, naisip ko na parang Titanic lang. ‘Yung simple lang ang story, pero ‘yung setting and ‘yung effects and ‘yung action/disaster scenes, nakakabilib talaga. Pero korny talaga ‘yung kwento. I mean, it’s basically Pocahontas, but with ohmaygahdhuwawgrabelupet special effects. Haha. Ok ok, I’m probably raising your expectations too high, but seriously, ang galeng.

Isipin n’yo ‘yung Jurassic Park at kung gaano ka-astig ‘yung dinosaurs pati scenery ‘dun, pero ito, hi-tech. As in, kumikislap-kislap at glow-in-the-dark! Tapos ‘yung mecha, mala-Escaflowne ang dating, lalung-lalo na ‘yung mobile suit nung colonel. Pero unlike sa Transformers ni Michael Bay (ewwwyuck), dito, hindi ka magsasawa gaano sa military equipment. Tamang-tama lang ang balance nung mecha sci-fi ‘dun sa biology sci-fi. 🙂 ‘Yun lang, medyo magsasawa ka sa kwento/characters/dialogue. Kasi naman, halos tatlong oras din siya. Mehn, ‘wag na ‘wag mo ‘tong papanoorin kasunod ng King Kong ni Peter Jackson, mamumuti ang mata mo panigurado.

*Some SPOILERS from this point. But not enough to ruin your movie experience.*

Anyway, special mention ko lang si Colonel Miles Quaritch. Siya ‘yung villain so syempre, masama ugali niya. Pero putek, ang galeng talaga. Sabihin na nating badass ‘yung bidang si Jake Sully dahil nakasakay siya sa mala-dragong creature na malaki pa sa mga helicopter, pero walang-wala siya sa ka-badass-an ni Colonel na lumiliyab na nga ‘yung braso, tuloy pa din sa pagtira ng armalite! Nalaos si Snake ng Metal Gear Solid sa kanya!

Pero ang korny talaga nung kwento. Sobrang predictable at hindi talaga romantic ‘yung love story. Halatang-halatang lalake ang nagsulat (wahahah biased!). At saka sayang, nandun man si Sigourney Weaver, boring scientist lady naman ang role niya. Akala ko pa man din ‘eh makikita ko ang pagbabalik ni Ripley. Oh well.

Pero maganda pa rin, in my opinion. Special effects pa lang, solb ka na. Kasi unlike ‘yung mga usual na mecha and hi-tech gadgets and explosions, eto, more on biotechnology ‘yung inexplore. Parang Species 8472 lang, o kaya ‘yung mga lumilipad-lipad sa Equinox.

Basta astig. Gets ko na ngayon kung bakit halos nag-camp out sina Hodgins, Sweets at Fisher (Oh wait– ngayon ko lang na-realize! Haha! Nandito rin sa movie na’to si Fisher! Haha! Galing!) sa labas ng cinema para makapanood nito.

Hehehe, nasobrahan na ba sa geek references? Ang hindi maka-gets, tanong n’yo na lang ako. 🙂

Advertisements

2 thoughts on “Avatar!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s