Ano daw?!?

Pasensya na sa mga nasusuka pero nasusuka rin kasi ako sa mga dumedepensa kay CJC. Pinakanakaka-inis ‘yung mga nagcocomment ng ganito:

“Too much of this hypocrisy. Let Carlo reap the fruits of his labor. Inggit lang kayo.”

Fruits of his labor daw. Anong labor? Ang pagkuha ng credit para sa mga drowing na hindi siya ang gumawa?

Ayaw n’yong maniwala sa argument na “Hindi Visual Artist si CJC kaya ‘di siya karapat-dapat maging National Artist for Visual Arts” so eto na lang:

MAGNANAKAW SIYA.

Kinukuha niya ang parangal para sa mga komiks na hindi siya ang nagdrowing. Ang tawag ‘dun ay magnanakaw.

Kung kayo, ninakawan kayo ng wallet o cellphone o kung anuman, gusto n’yo bang bayaran ng gobyerno ‘yung magnanakaw, gamit ang buwis na pinaghirapan n’yo?

Parang ganito ang reasoning: “Nahirapan siyang agawin ‘yung wallet ko kaya dapat bigyan natin siya ng mas-marami pang pera.”

‘Yon. Hindi n’yo pa rin nakikita kung anong mali doon??

At hindi nagproprotesta ang mga artist dahil Anti-GMA sila. Kailan sumali sa napakaraming nakaraang mga Anti-GMA rally ang mga artists na nagproprotesta ngayon? Bago itong pangyayaring ito hindi ko pa kahit kailan narinig na magcomment tungkol kay GMA sina BenCab, Bien Lumbera, atbp. Tapos ngayon, dahil lang dito, tatawagin na silang “Anti-GMA” at gumagawa ng palusot para lang magalit kay GMA?

Pero sige, ‘wag na ‘yung tungkol kay GMA kasi pulitika na ‘yun. Uulitin ko na lang ‘yung sinabi ko kanina:

Hindi si CJC ang nag-drowing ng mga komiks na nagpasikat sa kanya. Pero pinapalabas niyang siya lang ang naghirap para ‘dun. Magnanakaw ang tawag ‘dun. At ang mga magnanakaw, kinukulong, hindi pinaparangalan.

Advertisements

3 thoughts on “Ano daw?!?

    1. @des: thanks. nabasa ko na. though to tell you the truth, hindi ako masyado umaasa sa SC dahil gobyerno rin ‘yun. ‘eh gobyerno naman ang nagsimula nitong kaguluhan na’to. 😦

      sasama sana ako sa rally kaya lang may pasok ako nung araw na ‘yon. saka hindi rin naman ako papayagan. pero gusto ko talaga.

      ang pinaka-kinaiinisan ko ngayon, ang dami nang naniniwala na Anti-GMA lang ‘yung mga artists kaya sila nagproprotesta. wala daw koneksyon sa award at ginagamit lang daw na excuse para awayin si GMA. hello, bakit pa gagamiting excuse ‘yung award ‘eh ang daming ibang reasons para awayin si GMA? sa lahat naman ng ibang scandal niya (e.g. ZTE, Hello Garci, etc.) ‘eh hindi nakisawsaw ‘yung mga artist, kaya nga sila nagagalit ngayon kasi wala na nga silang ginagawa kay GMA pero si GMA ‘eh ginugulo ‘yung mga buhay nila at sinisira ‘yung mga pangalan nila.

      (ok, galit pa rin ako, obvious ba? haha!)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s