From the Radio

May dalawang magkaibigan. Nakita nung isa ‘yung kaibigan niyang gumagawa ng sulat.

Kaibigan1: Uy, para kanino ‘yang sinusulat mo?
Kaibigan2: Para sa 5-year-old kong pamangkin.
Kaibigan1: Ah, ‘eh bakit ang bagal mong magsulat?
Kaibigan2: ‘Eh mabagal pa siyang magbasa ‘eh!

*

Q: Ilang beses ka sa isang linggo nag-aahit?
A: Mga… 50 times.
Q: Ha?!?! Ang dami naman!
A: ‘Eh barbero ako ‘eh!

*

In-off ng isang lalake ‘yung TV.

Lalake1: O, bakit pinatay mo ‘yung TV?
Lalake2: Masyadong violent ‘eh! Biruin mo, walang pang nangyayari, suntukan na agad sila nang suntukan!
Lalake1: Talaga? ‘Eh ano bang pinapanood mo?
Lalake2: Boxing!

*

(Technically from Gary Lising, but I heard it on the radio as well, so…)

Q: Anong Tagalog ng “chair”?
A: Salumpuwit.

Q: ‘Eh ano naman ang Tagalog ng “wheel chair”?
A: Salumpo.

Q: Anong Tagalog ng “vinegar”?
A: Salumpia!!

Here’s one, which is just a conversation, but I found myself laughing nonetheless.

Girl DJ: In fairness kay Miss Venezuela, 18 years old pa lang siya.
Boy DJ: 18 lang siya? Ganon? ‘Di na pala kami bagay.
Girl DJ: Oo naman, height pa lang ‘eh.
Boy DJ: Oo nga. Ikaw, balak mo bang mag-Miss Universe?
Girl DJ: Oo.
Boy DJ: Talaga? O ngayon pa lang simulan mo na. Simulan mo nang tanggapin na hindi ka talaga magiging Miss Universe kahit kailan.
Girl DJ: Akala ko sasabihin mo simulan ko nang magpapayat.
Boy DJ: Hahaha! Hindi na! ‘Wag ka nang mag-effort! O pwede ka sigurong sumali, bilang Miss Pluto. Miss Universe naman, diba?

Ilan lang ‘yan sa mga joke na naririnig ko sa radyo tuwing nagkokomyut ako. Hindi ko na maalala ‘yung iba. Hehe, pasensya’t mababaw. Magdadagdag na lang ako ‘pag may marinig ako ulit na maalala ko. 😀

Advertisements

3 thoughts on “From the Radio

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s