Nagtataka Lang

Wala naman akong cinontribute sa Arts and Culture ng Pilipinas kaya hindi ako “qualified” na magcri-criticize. Hindi ko sasabihing panget ang mga gawa nila o na hindi nila deserve. Pero siguro naman dahil Pilipino ako, may karapatan akong magtanong?

 1. Pang-elitista lang daw ang National Artist Award kaya ayaw daw ng mga totoong artists na mabigyan si Carlo Caparas nito.

‘Eh bakit National Artist si FPJ? Elitista ba siya? Mga mayayaman lang ba ang nanonood ng mga pelikula niya?

2. Mga “sectoral artists” lang daw ang mga current na National Artist. Hindi daw alam ng mga tao ang pangalan nila. Elitista daw sila kaya dapat sila ang magbalik ng mga parangal nila dahil sila ang mga hindi may deserve nito.

‘Eh bakit dinedefend din nila Caparas si Cecile Alvarez? Maka-masa rin ba si Cecile Alvarez para i-defend nila? Galing din ba siya hirap? Alam rin ba ng bawat Pilipino ang pangalan niya? Naka-cross over din ba siya sa TV at pelikula? So bakit dumedepensa din sila kay Alvarez, na base ‘dun sa mga sinabi nila ‘eh “sectoral artist” din at “elitista” din naman?

3. Inaaway daw ng mga elitista si Carlo J. Caparas dahil mahirap siya.

‘Yun ba ang dahilan kung bakit siya inaaway? ‘Eh kung ‘yun ang dahilan, bakit pati si Cecile Alvarez inaaway? Mahirap din ba siya? Pang-masa din ba siya? ‘Eh English din siya magsalita ‘ah. Akala ko ba, ayon kay Caparas, ‘yung mga English ang salita at may pinag-aralan, elitista? ‘Yun ‘yung sinabi niya kay Butch Dalisay, diba? ‘Eh bakit si Vilma Labrador, nag-Eenglish din siya ‘ah! Bakit pati siya “pinuputakan” ng mga so-called elitists, kung kapwa elitist din sila? Si GMA inaaway din ‘ah! O, wag n’yong sabihing mahirap at maka-masa siya kaya siya inaaway ng mga “elitista”. Ang mga nakakakain ng dinner sa New York na worth P1million ay hindi mahirap at lalung-lalo nang hindi maka-masa. At saka marunong din siyang mag-English, diba? Nag-aral pa nga siya sa U.S., diba?

4. Naiinggit lang daw ‘yung mga kritiko kina Alvarez at Caparas dahil gusto nila ang National Artist Award para sa mga sarili nila.

‘Eh bakit pati ang mga taong katulad nila BenCab, Bienvenido Lumbera at F. Sionil Jose nagpro-protesta ‘eh dati na silang National Artist? Pwede bang ideklarang National Artist ng dalawang beses ang isang tao? Hindi naman, diba? Nauna pa silang maging National Artist kina Alvarez at Caparas, so ano pang ika-iinggit nila, kung ‘yun nga ang dahilan ng protesta?

5. At higit sa lahat, ano ang galit ng Malacañang kay Ramon Santos?

Anong ginawa niya na hindi ginawa nila Alcuaz, Conde at Francisco? Bakit sila naiwan sa listahan, pero si Santos natanggal?

Hindi ko sinasabing dapat natanggal silang lahat. Pero hindi ba kayo nagtataka? Kung magtatanggal sila sa listahan, bakit si Santos lang? Ang theory ko, kasi “S” ‘yung apelyido niya. Siguro sa listahan, parating nasa huli ‘yung pangalan niya kasi alphabetical. So nung nagsingit ng mga pangalan sa listahan, sa ilalim napunta ‘yung pangalan niya. Baka tuloy naputol nung pinrint nila. O kaya naman, baka nahirapan silang magbasa ng listahan na ganoon kahaba, kaya ‘di sila umabot sa dulo nung inannounce nila. Malay n’yo totoo. ‘Eh kung ganun lang pala ka-arbitrary ang pag-proclaim ng National Artist, na pwedeng ibale-wala lahat ng effort ng ibang tao, bakit hindi posible ‘yung sinasabi ko?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s