Wala Kayo sa Lolo Ko!

Birthday kasi ng lolo ko ngayon (technically kahapon) so nagpunta kami sa bahay nila para mag-celebrate. 92 years old na siya. Ang galeng, diba? Pero alam n’yo pa anong magaling? ‘Yung regalo naming magpipinsan sa kanya. Care to take a guess on what it is? ‘Wag na, hindi n’yo mahuhulaan I’m sure (pwera na lang kung kamag-anak ko rin kayo or close friend kung kaya’t nakwento ko na sa inyo before). Sasabihin ko na lang kung ano:

Computer.

Oo computer. Seryoso. As in desktop computer.

‘Di ko na sabihin ang specs kasi nakalimutan ko na rin. Pero hindi siya ‘yung pre-assembled ha. Talagang piling-pili ang parts nun. Binili namin sa PC Express at ‘yung kuya ko pa at pinsan at si Papa ang nag-set-up sa “office” ni Lolo ‘dun sa bahay niya. No joke. Mas-maganda pa nga ang speakers niya kaysa sa’kin (dahil ang speakers ko actually ay ang lumang speakers ni Ate na medyo sira na nga actually, gusto n’yo bang mag-donate sa’kin ng magandang speakers? ;)) at pati ang printer niya ay mas-bago. At eto– naka-wifi rin siya. Panalo talaga. Wala kayo sa lolo ko. 😉 Hehehe.

Techie kasi siya ‘eh. Hindi lang ‘yung computer niya ang up to date, kundi pati ‘yung flat screen niyang TV at entertainment system. Yes, surround sound din ang sala nila, at mostly original din ang kanyang mga DVDs. Of course, ang pinapanood niya ay mga orchestra performances, concert ni Pavarotti, at mga documentary ng National Geographic, pero original pa rin. At meron din siyang sarili niyang digicam! Regalo naman ng pinsan kong galing HK. ‘Yun nga lang, ‘yung pinsan kong isa ang kumukuha ng pictures kasi nahihirapan na si Lolo na mag-pindot nung keys dahil sa arthritis niya. Pero siya naman ang nag-uutos kung anu-ano ang pipicture-an kaya camera niya pa din ‘yun. 🙂

Anyway, masaya rin naman ‘yung event. Kahit konti lang talaga ang kinausap ko sa napakaraming tao. Nandun din kasi ‘yung choir ni Lolo. Oo nga pala, ‘yun pala ang ginagawa niya– choirmaster sa simbahan. Kaya marami siyang friends. Sa tingin ko nga, mas-madami pa talaga siyang friends kaysa sa’kin. Hehehe. Then again, anti-social naman talaga ako. ‘Eh ‘yung mga pinsan ko ngang nandun kanina ‘eh hindi ko talaga kinausap. Binati ko lang tapos kumain ako tapos nakilaro na’ko ng iPod Touch ng isang pinsan ko. Meron siyang Labyrinth game! Sa iPod Touch! Ang saya! 🙂 (Although mahirap.) Pero ‘yun nga, overall, masaya naman. Natuwa ako nung nagsimula nang mag-“jamming” ‘yung choir at kanta na sila ng kung anu-ano, depende sa kung anong tugtugin nung nagpia-piano. At syempre, dahil choir, meron silang mga second voice at kung anu-ano pang effect. Nung kinanta nga nila ‘yung ‘TilThere Was You, ‘pagdating sa linya na “Then there was music and wonderful roses”, ‘dun sa word na roses, bigla silang lumapit kay Lolo at nagbigay ng actual red roses. Ang cute, diba? 🙂

Ay, tsaka meron din palang cakes na masasarap. 3 ‘yung cakes. 1 gawa ng tita ko (chocolate and mango!), 1 regalo ng choir member (Green Tea Cake from Breadtalk), at 1 galing kay Mayor Binay (butter cake) dahil si Lolo ay certified senior citizen ng Makati. Ibig sabihin libre siya manood ng sine sa Powerplant. Samantalang ako, nagbayad ng P160 kahapon para makapanood ng Terminator Salvation sa Glorietta 4. At ‘di ko masyado nagustuhan ‘yung movie (kahit pa nandun si Christian Bale). Oh well.

Hay… Nakaka-inggit! Hehehe. Sana kung umabot man ako ng 92 years old ‘eh ganun din kasaya ang birthday party ko. 🙂

Happy Birthday Lolo!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s