Mag-Update Naman Tayo Nang Friday

Parati atang Monday ang mga update ko ‘eh. Kasi puro tungkol sa weekend. Kasi tuwing weekend lang naman may nangyayaring interesting. Kasi tuwing weekday korny, puro trabaho lang. Well, mostly. 😉 Hehehe. Pero actually dati, Thursday ang aking “Update My Blog Day”. Serious, tuwing Thursday nag-u-update talaga ako. Regular. Pero ngayon… Wala, kung kailan na lang may maisip. ‘Yan tuloy, hindi lang konti ang updates, kundi boring pa. Hay…

Ang hirap naman kasi magsulat. Pansin n’yo, ‘yung buong first paragraph, wala naman talaga akong sinabing importante/useful? Nakalimutan ko na kung paano magsulat. Kulang sa practice. Ang dami pa kasing kung anu-anong ginagawa. Inuuna lahat ng hindi importante kesa sa mga importante. ‘Yan talaga palagi ang problema ko — priorities! Haha. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas ‘eh! (Haha, umabot ‘dun?) Pero speaking of hindi pag-unlad ng Pilipinas…

Galing talaga ako actually ng Boracay. Nagpunta kami nung weekend hanggang last Tuesday (4days, 3nights). Kasama ko parents ko sa mga tito tita, pinsan at lolo. We were all there–all eleven of us! Haha! Ang dami talaga ng angkan ko grabe. Tatlong pamilya ‘yun, pero 11 lang. Actually 10 lang talaga (kasama na si Lolo) kasi ‘yung 1, family friend at hindi talaga relative. But anyway, ang gusto ko talagang pag-usapan ay ‘yung Boracay.

Wala munang pictures ‘ah, tinatamad pa’kong mag-upload mula sa camera, saka konti lang naman ang pictures na nakuha ko anyway. Nakakatamad rin kasi kumuha. Kasi, ewan, parang ayoko nang kunan ang kung anu-ano pang meron ‘dun kasi parang feeling ko nakita na naman nating lahat ‘yun. At kung hindi pa naman, ewan, parang ayoko lang talaga i-share masyado ‘yung experience kasi, well, sa totoo lang, hindi talaga ako masyado nag-enjoy.

It’s not because hindi kami close ng mga pinsan ko at dahil puro tito at tita ang kasama so hindi ako nakapag-parasailing or whatever “fun” stuff. Actually, nag-sailboat naman kami at nagustuhan ko ‘yun. 🙂 Saka marami akong nakitang fish ‘dun sa isang part ng dagat so gusto ko rin ‘yun (kahit ang lakas ng alon grabe at nakakahilo sa bangka). So meron din naman akong mga nagustuhang parts nung bakasyon namin pero overall, nakakalungkot talaga, kasi, ewan, ang panget ng Boracay ‘pag summer!

1. Puro lumot ‘yung tubig. So may season daw talaga na malumot ‘yung tubig, pero hindi naman daw siya ganun all year round at hindi ‘yun dahil sa pollution (daw). So fine, tatanggapin ko nang malas lang talaga kami. Pero kahit pa.

2. Polluted sobra! Nalungkot talaga ako. Parang public beach (ok, hindi naman. OA naman sobra kasi marumi talaga ang mga public beach (‘yung mga common ha, e.g. Subic!! Nalungkot din ako nung nag-beach kami ‘dun.) pero nakakainis pa rin kasi nung una kong punta sa Boracay, lumot or no lumot, wala naman masyadong basura sa tubig at sa sand. Pero ngayon, waaahh… Ang daming kalat. 😦

3. Ako lang ba, or lumiit talaga ‘yung beach? Kasi ang pagkaalala ko, nung una kong punta ‘dun (2001 ito), malaking malaki ‘yung beach. Pero ngayon, sa dami ng establishments (bakit may Shakey’s at Starbucks at ferris wheel ‘dun?), parang konting part na lang ‘yung sand at puro semento na? Saan napunta ‘yung beach??

4. Ang sikip ng airport!!!!! 😡 Ito talaga ‘yung nagpa-sama sa lahat. Matatanggap ko pa ‘yung beach at ‘yung iba pa, pero ‘yung airport nilang 40 people lang ata ang capacity, samantalang merong at least 2 na eroplano na dumarating every hour, kaya mahigit 100 na ‘yung mga taong naghihintay. Nakatayo na ‘yung iba at wala nang empty space promise. Parang containment unit. Nakaka-suffocate. Seriously.

Ok, it may not seem like it from this post pero sa totoo lang, hindi naman ako mareklamo sa mga biyahe. Delayed flight? Ok lang at least hindi cancelled. Lost luggage? Well, at least hindi nag-crash ‘yung plane. Malumot ang tubig? At least walang jellyfish. Maraming jellyfish? At least hindi puro basura. Pero waaahh… Nahirapan talaga ako to stay positive the whole time na nandun kami. Mabuti na lang masarap ‘yung pagkain at may mga swimming pool ‘yung resort, pero actually hindi ko rin siya masyado nagustuhan kasi masyado siyang malaki. Masyadong maraming tao, at masyado siyang ma-semento. Basta. Parang city hotel siya imbis na resort.

Hay. Ewan. Nakakalungkot. Pasensya na. I didn’t mean to rant on my update. Lalo’t last summer event ko na ito. Tapos na ang May, diba? 2 days na lang. Bye bye summer. Bagama’t bumagyo ng ilang araw, at tatlo lang ang outing ko (tapos super magkalayo pa— start of April tapos end of May), na-feel ko pa rin naman ang season, and I’m kind of sad to see it go. Lalung-lalo na dahil matatapos na rin ang season ng paborito kong prutas:

Mangga, Suman at Tsokolate Breakfast - Antulang Resort, Dumaguete

Actually, ‘yan talaga ang pinaka-gusto ko sa summer. Mango season!! 😀 Pero fine, all things must come to an end. So maybe matatapos din ang ugly days ng Boracay at magiging maganda siya ulit sa future. Think positive.

And with that, I bid summer adieu. Byebye Summer! *waves*

(Uy waves o! Double meaning– waves as in alon, at waves as in kaway. Hehe!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s