Bingo Bonanza at Alabang

Akalain mong natuloy kami ni E (my best friend) na maglaro ng Bingo sa Festival Mall sa Alabang nung Sabado. πŸ™‚ Actually meron din naman sa ibang mall tulad ng SM Southmall pero feeling ko kasi mas-kaunti ang naglalaro sa Festival (at mas-kaunti ang mga kakilala ko dun hahaha) and therefore more chances of winning! Yehey! Pero sasabihin ko na sa inyo ngayon pa lang na hindi kami nanalo. 😦 But that doesn’t make the experience any less fun. πŸ™‚

O eto, history: First time ko ‘yun maglaro ng Bingo sa mall, actually. Dati na’kong nacu-curious sa mga ganun, kaso hindi ako nagpupunta kasi parang puro mga matatanda lang ang mga nandoon saka tuwing nasa mall ako madalas mayroon akong naka-schedule na gagawin (i.e. manood ng sine), kaya hindi ako pwedeng basta na lang mag-Bingo para pumatay ng oras. Kaya ayan, nag-schedule na’ko ng Sabadong walang ibang gagawin kundi Bingo. Although dahil P100 din ang bayad para sa isang set (3 cards per game, good for 3 games) ng cards, 3 games lang ang nasalihan namin at natapos din kami bago mag-alas kwatro ng hapon (2PM nag-start. Umabot ng dalawang oras dahil may mga “special games”* sa gitna ng 3 na regular games kung saan valid ‘yung cards namin). In fairness, mahirap din intindihin ang rules niya at kinailangan pa naming magtanong sa kung sinu-sino ‘dun para malaman kung anong gagawin namin.

*special games – mas-mahal ang ticket (mga P100 isang ticket pa lang) pero mas-malaki ang premyo (e.g. Kung ang regular game ‘eh P100o or P2000 lang ang prize, sa special game, umaabot ng P100,000 or P200,000).

Strangely enough, hindi kami tinulungan at all nung nagbebenta ng mga cards, at nung assistant niya na hindi ko alam ang reason for being in the ticket booth dahil hindi siya nagbebenta. Ang tumulong sa’ming umintindi ng mechanics ‘eh ‘yung nagbebenta ng pagkain at bingo markers. Yes, bingo markers. Dahil hindi kumpleto ang larong Bingo at baduy ka kung wala kang special markers para sa mga cards mo. Kaya naman, maski pa napagastos pa’ko ng P36 (ito pala ‘yung pinakamura. Merong mga markers na mas-maganda ang quality pero umaabot ng P80 ‘yung mga ‘yun) para sa green na pentel pen na feeling ko mabilis matuyuan ng tinta, hindi naman sumama ang loob ko kasi mabait ‘yung tindera at kung hindi niya kami kinausap ‘eh baka maghapon kaming clueless at masasayang lang ‘yung mga cards namin.

So ayun, umupo kami ni E sa may likuran kung saan kita ang buong BingoΒ  area para kita namin ‘yung nagbabasa ng numbers at pati na rin ‘yung umiilaw na board kung saan naka-paskil kung anu-anong numbers na ang natawag, pati kung magkano na ang premyo para sa round na ‘yun. Pero ‘yun nga, hindi kami nanalo. Sayang nga kasi ‘dun sa last round na blackout, B1 na lang ang kulang nung isa naming card, may P15,000 na kami! Kaya lang, hindi talaga itinadhana. May naunang manalo sa’min. 😦 At bagama’t gusto namin sabihan ang isa’t-isa ng “Better luck next time!” hindi namin ginawa dahil ayaw naming maadik sa sugal. πŸ˜‰ Hehe! Pero tinago ko pa rin ‘yung cards namin, maski talunan. Pati na rin ‘yung Lucky Dot (ito talaga ang brand niya) na pentel pen tinago ko as a remembrance of my first Bingo Bonanza Experience. Yehey!

Bingo Cards and Lucky Dot - the Bingo Marker
Bingo Cards and Lucky Dot - the Bingo Marker

Pagkatapos nun, bumili kami ng cotton candy at nagpunta sa Pixie Forest para sumakay sa Fun House. πŸ˜€ Sinong taga-South dito? Alam n’yo ‘yung Fun House, diba? Kung hindi n’yo alam, ang korny n’yo! Hehe. Pangatlong beses ko pa lang ‘yun sumakay ng Fun House pero ok lang, masaya pa rin. Although syempre mas-masaya ‘yung first time (3rd year high school pa’ko nito) kasi bago pa ‘yung Fun House nun at hindi pa defective ‘yung black lights, malabo ang sounds, at basta mas-maganda ‘yung mga effects. Pero sige na nga, dahil P20 lang naman per ride, sasabihin kong nakakatuwa pa rin siya after all these years. Hehe.

And then sumakay kami ng dyip at nagpunta sa BF Pque para kumain sa Churrito Cafe. Yehey! πŸ˜€

Hindi ko rin alam pero nag-crave ako para sa kanilang chocolate churros with white chocolate dip, at saka dahil taga-Quezon City si E (Oo isa siyang North-person. Eewww!! Hehe!), sinadya ko talagang ipakita sa kanya ang BF Pque (hindi pa raw siya nakakapunta, would you believe?). Hindi pa rin nagbago ang Churrito Cafe mula nung huli akong nagpunta na Sabado din ng hapon. Konti pa rin ang tao, at masarap pa rin ang pagkain. πŸ™‚ At actually, ‘yun pa din ang music nila, ‘yung Bossa Nova version ng mga modern songs (e.g. Bleeding Love ni Leona Lewis).

Afterwards, dumaan kami ng Mercury Drug para ma-calculate ang aming Body Mass Index. Hehe. Walang biro. Meron kasi kaming bet na makababalik ako sa ideal weight ko (as in, ideal weight for the average person with my height, which is 4’10” in case you’re curious, pero ‘di ko na sasabihin sa inyo ang weight ko kasi nakakahiya na ‘yun hehe!) after 6 months. Ayan, nakipag-bet na’ko para ma-motivate naman ako. Kasi feeling ko kung para sa sarili ko lang gagawin at walang ibang at stake ‘eh tatamarin ako mag-exercise (which has been the case for the past year). So hopefully because of this bet, I will lose some weight.

‘Yon. ‘Yun lang naman ang nangyari ngayong weekend. Except ‘yung may party nga pala dito sa bahay namin kahapon as a late celebration of my mom’s and brother’s birthdays, saka welcome back party din para sa kuya ko kasi umuwi siya from Japan. And kumain nga rin pala kami ni E sa Clawdaddy’s sa Bonifacio High Street nung Friday night. So, no offense to the restaurant, maybe nainis ako kasi hindi naman kami nag-order ng specialty nilang crab, pero waaaahh!! Hindi rin naman ganun kasarap ‘yung fish & risotto na inorder namin and ‘yung buffalo shrimp (which is fried shrimp with the sauce they use for buffalo wings) was too salty/sour na para na siyang junk food. Tapos ‘yung mapagkunwaring clam chowder soup na masyadong maalat. Mas-gusto ko pa ang clam chowder ng Outback Steak, kahit hindi rin naman ganun ka-sarap ‘yun. Ewan. Hindi talaga ako natuwa, tapos huhuhu ang mahal pa niya. πŸ˜₯ Umabot ng P1000++ ‘yung bill namin kahit ang inorder lang namin ay 1 soup (at maliit lang ‘to ha! ang serving is same size ng soup ng Pancake House), 1 appetizer and 1 entree). Hay. Kung hindi kayo mayaman at feeling mayaman lang talaga (katulad ko na nagkukunwari lang), ‘wag na kayong kumain dito! Manghihinayang kayo sa pera promise!

In conclusion, na-gets n’yo ba kung bakit ginusto kong maglaro ng Bingo, at nakipag-bet ako na mag-lose ng weight? Dahil naubos na ang pera ko kakakain!! Hehe! Oh well, good luck to me! πŸ˜€ Start na ng diet (diet daw o!) ko this week. (Ay wait, dapat ba hindi ko sinabi? Baka ma-jinx! Hehe!)

Have a Happy Week Everyone! πŸ˜€

Advertisements

4 thoughts on “Bingo Bonanza at Alabang

  1. Ida!!!

    Alam ko yung Fun House, adik ako dun ng HS! hahahaha! OMG! bigla ko ciang namiss, parang gusto kong magFestival bigla, hahaha!

    Mabuhay ang South!!! πŸ™‚

    and goodluck sa bet niyo πŸ™‚

  2. saan mo nabanggit na may bet?? d na ata ako nakasunod.. haha!! badtrip yang churrito.. sarado siya nung isang saturday afternoon na pumunta kami ni joie.. dumayo pa ako ng alabang only to find out twas closed.. tsk tsk tsk.. “crabdaddy”?? — you mean “clawdaddy: right?

    1. Ay oo nga ‘no! Clawdaddy nga pala ‘yun! Haha! So sa sobrang gusto ko nang kalimutan ‘yung experience, I didn’t remember the name right!

      Re ‘yung bet, hindi ko ba nabanggit? -_- Hehehe baka kasi para ikwento ‘yung story na ‘yun I have to tell my weight kaya iniiwasan kong mamention. Haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s