huwatahuweekend

Ang daming nangyari! Na-cancel na nga ‘yung isa kong lakad (sa Los Baños — HUHUHUHU 😥 WALA PA RIN AKONG MERNEL’S CAKE!! Pangarap ka na lang ba?!?! :cry:) pero ang dami pa ring nangyari!

Simulan natin sa

Life is SO Unfair – Episode 2

At makalipas ang isang buwan (as in eksaktong isang buwan), muling nagkita-kita ang “Life is SO Unfair” cast members (+1 new cast member) upang ipamahagi ang kanilang mga hinanakit sa buhay. Sa pagkakataong ito, ang napili nilang venue ay ang roofdeck ng isang condo sa Ortigas. At ang inumin — Emperador Brandy. At Milo. At kape. At tubig. At yelo. Maraming-maraming yelo.

Biro lang. Sa totoo lang, wala naman kaming malalaking problema. Na-trip-an lang talaga kaya ayun, gising ulit ako ng bente kwatro oras, pero sa ngayon, hindi ko na kinayang lumampas pa ‘dun. ‘Pag sapit ng alas-kwatro, bumagsak na’ko sa sahig (oo sa sahig) at natulog. Hindi ko na tuloy narinig ‘yung mga kwento. Huli na naman ako sa balita. Hay. Pero oks lang naman, mauulit rin naman ang mga ganitong pangyayari. Baka pagkatapos ng dalawang buwan ay magkaroon kami ng Episode 3. 🙂 Baka may problema na rin kami ‘pag dating ng oras na ‘yon. (‘Wag naman sana.)

Lost Baños

Baduy. Baduy baduy baduy!

Imbis na kumakain na’ko ng Mernel’s cake ngayon, *sniff* wala. Wheat bread ang kinakain ko. Baduy talaga!

Hay. Bakit ba napakalayo ng Los Baños? Kung sa bagay, kung hindi siya ganun ka-layo, baka lalo lang akong tumaba nang tumaba nang tumaba. So maybe blessing in the skies (oo sinasadya kong mali ‘yan) na rin na hindi talaga madaling bumili ng masarap na masarap na cake.

Hay. Sige na nga. Tatanggapin ko na. Hindi talaga ako itinadhanang kumain ng cake nung nakaraang Sabado. Pero sana sa susunod, wala nang magcacancel ng mga plano. Lalo ang mga plano na kumain ng cake. BAWAL na mag-cancel ng ganun!

Watchmen

Una – Ano daw?!!? Ako lang ba, o hindi talaga madaling maintindihan ‘yung storya?
Ikalawa – Pero bakit ganun, kahit hindi ko naintindihan, [SPOILER ALERT — highlight if you want to read] unang scene pa lang ni Veidt, alam ko na agad na siya ang villain? Is it just me or was the novel that predictable? Akala ko maganda ‘yung novel/story at groundbreaking and all pero hindi naman ako nagulat sa kahit anong turn of events, parang typical social commentary/superhero story lang. 😐
Ikatlo – Watdahek?! Why was this rated R13?! That means high school students can watch it, right? So, I’m not saying we should underestimate the maturity of high school students. Or, maybe I am. I mean, gets ko bakit ‘yung Titanic ginawa nilang PG7, kailangan naman talaga at pwede naman talaga dahil “for art’s sake” naman talaga ‘yung nudity ‘dun, pero dito, ewan ko lang ha, pero I don’t think kids should be seeing stuff like the stuff that they showed. Seriously.
Ika-apat – Bakit sobrang haba nung pelikula? Lumampas pa siya ng dalawang oras. Sobrang haba na nga, and yet, hindi ko pa rin naintindihan. Kailangan mo daw mabasa pa ‘yung novel para maintindihan mo. Hello?! Kaya ka nga manonood ng sine ‘eh para malaman mo ‘yung kwento nang hindi ka nagbabasa, diba? Alternative medium, hindi complementary. Or was it really meant just for the original fans of the novel? Fine. Kahit pa. Nakalimutan na yata ng Hollywood kung paano gumawa ng pelikula. Hay. Sayang.
Ikalima – First time ko masasabing pakiramdam ko naaksaya ang pera ko. Ok, hindi naman. Pero nakakadisappoint talaga. Hindi naman mataas ang expectations ko, pero maski ‘yung mababa kong expectations, hindi pa rin na-meet. Sayang talaga.

Sunday Girly Sunday

Minsan masaya talagang kasama ang mga girly friends ko. Hehehe. Ok, linawin ko lang sa mga hindi nakakaalam — ang mga girly friends ko ay ang mga college friends ko. Madami rin naman akong friends na girls from high school and grade school, pero sila kasi ang hobbies/interests (anime/geek/literature/masarap na pagkain) friends ko. Kaya hindi kami girly. I mean, not so much. Hehehe. ‘Yung mga college friends ko ang mga girly friends ko na mahilig sa shopping, chick flicks, tsismis, at cute boys. Hahaha.

Kaya kahapon, nagpunta kami sa — spa! O diba? Kikay kung kikay. 🙂 Medyo sumakit nga ang katawan ko sa diin ng pagmasahe, pero oks lang. Overall masaya naman ‘yung experience, lalo dahil ‘di naman masyadong mahal at kumain kami ng masarap ng churros sa tabing restaurant (actually ito talaga ang pakay ko) pagkatapos. At marami kaming napagkuwentuhang tsismis. Hehehe. Na-miss ko sila. Hehe. Next time ulit, sana matuloy na ang pagkatagal-tagal na naming pinapangarap ng swimming outing.

My Haircut

At dahil 7 ng gabi ay nasa ATC pa’ko at walang magawa at ‘di ko pa feel umuwi at mag-isa na lang ako, nagpagupit ako ng buhok. ‘Yun nga lang, dahil gabi na, parang pagod na ‘yung mga stylist at minamadali na nila ‘yung mga customer. Kaya pagkatapos kong magupitan, dalawa pa silang nag-blow dry nung buhok ko. Tapos pagkatapos ng blow dry, chineck nung nag-gugupit tapos tinanong niya ko, “Ok na ba?”

‘Eh ano pa nga bang masasabi ko ‘eh tuyo na ‘yung buhok ko at naka-style na? Alangan namang sabihin ko pang, “Hindi ok ‘eh, basain natin ulit tapos gupit ka ulit,” ‘eh halos closing time na rin nila. Hay. Ayan tuloy, parang wala namang nagbago sa buhok ko. Then again, sabi ng ate ko ‘eh kung pangit ang mukha mo, kahit ilang pagpapagupit pa ang gawin mo ‘eh hindi mag-iimprove ang hitsura mo. Tanging si Belo na lang ang makatutulong sa’yo.

And speaking of Belo, ayan, dahil ang tagal tagal kong naghintay sa parlor para may mag-gupit sa’kin, nabasa ko na tuloy ang buong kwento ng Belo/Hayden issue sa Yes! magazine (Pati ang mga kwento ni Bb. Gandanghari, at ang pagbalik ni Rufa Mae Quinto sa family home niya nabasa ko. Oo, ganun ako katagal naghintay). Talaga naman. Hindi ko na pala kailangan manood ng The Buzz ‘eh. Isang pagupit lang sa parlor, updated na’ko sa lahat ng tsismis. Magkakaroon daw ng movie si Michael V at Ogie as Yaya and Angelina. Akalain mo ‘yun.

Hay weekend. Bakit ba dalawang araw ka lang sa isang linggo? 😦

Advertisements

2 thoughts on “huwatahuweekend

  1. whoa!! spa and ida are 2 three-letter words na kala ko hindi pwede magtabi sa isang entry.. haha!! i can’t believe nagpa spa ka!! so ano, nabago na ba ang idea mo re spa?? haha! weiz.. dapat sinabi mo na wag diinan.. pwede rin naman un noh! :=

    at grabeh!! tawang-tawa ako sa last part.. un haircut part.. pinabasa ko rin kay len eh.. tawang-tawa ako.. e share mo naman sakin ang mga tsismis!! haha!! =p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s