We Won! We Won! XD (Again!!)

Hurrah! Akalain mong nanalo pa kami ng GRAND PRIZE samantalang natanggap na nga namin na last place kami. 😯 Sa totoo lang, nakakagulat talaga. Pero saktong-sakto ang sinabi ng team leader namin na “Ito ‘yung pinakamasayang panalo, kasi ito ‘yung hindi talaga in-e-expect!” But I’m getting ahead of myself. Kwento muna…

Ngayon kasi ‘yung Christmas Lantern (Parol ‘yan) Making Contest ng department namin sa office. Gamit dapat ay recycled materials, kasi ang “theme” ng mga events namin this year ay “giving back to the community” so puro mga outreach-type ang activities, at ang premyo pa nga sa team na mananalo ay Christmas Party sa napili nilang charitable institution. πŸ™‚

Sa totoo lang, hindi talaga kami prepared. Hindi pa nga kami talagang nakapili ng charitable institution ‘eh, at kinapos kami sa oras na mag-plano. Kaya nga gulat na gulat (na gulat na gulat) talaga kami na nanalo kami. Out of 5 teams! At ‘yung mga ibang team ‘eh kita mong prepared talaga sila at alam na alam nila ang ginagawa nila. Samantalang kami ‘eh nagtatalo pa kung anong kulay ang mga gagamitin at kung anong magiging hitsura ng parol namin. Pramis. Nakakagulat talaga. Pero eto kasi ang criteria (Oo, ni-review ko sa sobrang hindi makapaniwala na nanalo talaga kami):

Creativity & UniquenessΒ – 25%
Resourcefulness – 30%
Durability – 20%
Overall Impact – 25%

At in-explain naman ng judges na kami ang pinaka-resourceful dahil kami lang ang team na walang nagastos. Nagbigay kasi ‘yung committee ng tig-Php200 bawat team para makabili ng materials kung kakailanganin nila, ‘eh dahil jologs kami, pumulot na lang kami ng kung anu-ano, at ang main ingredient ng parol namin ‘eh mga wrappers ng junk food na kinakain namin tuwing merienda (Tortillos, Chippy at Tostitos to be exact). Kaya naman natapos na ‘yung event at lahat ‘eh buong-buo pa rin ‘yung 200 pesos sa bulsa ng team captain namin. πŸ˜€ ‘Yun.

‘Yun ang dahilan, at saka dahil kami yata ang team na pinaka-maraming miyembro na tumulong. Teka, ang ibig sabihin lang niyan ‘eh ‘yung ibang teams kasi, bagama’t marami silang miyembro, kaunti lang sa kanila talaga ang may icinontribute sa pag-gawa nung parol. Samantalang kami, halos lahat talaga ‘eh may ginawa, kahit simpleng pag-print lang ng pangalan ng team namin sa bond paper ‘eh bawa’t isa talaga may cinontribute. Kung tatanungin ninyo anong nagawa ko para sa parol namin, bukod sa pagbigay ng wrappers ng Tortillos, ‘eh ako rin naman ang nag-scotch tape nung mga wrappers na ‘yun ‘dun sa frame ng parol na gawa sa kawayan mula sa kulungan ng manok ng kapitbahay ng isa naming teammate. (Akala n’yo nagbibiro ako, hindi! Kinuha niya talaga mula sa kulungan ng manok ng kapitbahay nila ‘yun!)

At nanalo din yata kami dahil kami ang team na super duper hardcore from scratch ang parol. Mayroon kasing mga teams na ‘pag dating sa opisina kanina ‘eh naka-assemble na ‘yung frame, o ‘di kaya’y magkakadikit na ‘yung mga botilyang ginamit nila. Pero kami, hardcore talaga, kakaubos lang nung lunch nung isang Chippy para magamit namin ‘yung wrapper.

Kasama din yata sa judging ‘yung kung gaano kalinis ang work area matapos gawin ‘yung parol, at dahil marami nga kaming tumulong, nalinis namin nang maayos ‘yung lugar namin. πŸ™‚

Mabuti na lang at hindi kasama sa judging ang “time” dahil kami ang huling team na natapos. As in, naka-display na lahat sa harapan ng meeting room ang apat na parol ng ibang teams, samantalang kami ‘eh hindi pa na-a-attach ‘yung buntot ng parol namin (gawa pala ito sa plastic cups ng McDo at Jollibee kung saan kami nag-lunch). Pero dahil din ‘yun sa kasi nga, lahat talaga, mula sa frame hanggang sa finishing touches ‘eh during the contest time na namin ginawa. Kasi nga, hindi kami prepared! Pramis. Hindi talaga!

Narinig ko na ‘yung isang team, nung nag-plano sila kung paano nila gagawin ‘yung parol nila ‘eh todo-nag-overhead projector pa sila! Samantalang kami ‘eh nag-meeting lang sandali, at majority nung meeting na ‘yun ay tungkol lang sa ‘pag pili ng charitable institution na ‘pagdodonate-an namin ng pera. At syempre, asaran din. πŸ˜† Halos spontaneous na nga ‘yung ‘pag gawa namin nung parol kasi nung pumasok ako sa meeting room, ang sinabi sa’kin nung teammate ko ‘eh “Gumawa ka na ng design, bilis!” At syempre todo nag-panic ako dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin. 😳

Tapos nung announcement of winners na, ready na kaming mag-walk out matapos sabihin kung sino ang last place. Akala talaga namin kami na. Nung hindi kami, sobrang relief! Naisip namin na at least hindi kami last place! Tapos grateful na talaga kami na maging second to the last. Pero nung in-announce ‘yung 2nd to the last at hindi pa rin kami, nagtatatalon na talaga kami sa tuwa! As in! Hindi na kami makapaniwala na umabot pa kami sa Top 3! (5 lang pala ‘yung teams.) Sobrang saya na namin! Tapos in-announce ‘yung 3rd place, nagulat ulit kami, pero hindi pa rin kami umasa na mananalo kami ng grand prize, kasi naman sobrang ganda talaga nung isa pang parol (‘yung hindi sa’min) na naiwan. Unang tingin pa lang, akala ko talaga ‘yun na ‘yung panalo. And most everyone said the same, kasi maganda talaga ‘yung parol nila. May bumbilya pa at may scientific explanation pa. Kaya talaga, nung in-announce ‘yung Grand Prize, at pangalan ng team namin ang sinabi nung judge, wala, hindi na namin napigilan! Sumigaw na kami nang malakas na malakas! Halong gulat at tuwa ang mayroon sa sigaw ko! At nagulat din ako na sumigaw din nang malakas ‘yung mga katabi ko! Ang ingay talaga namin, pramis aakalain mong sumali kami sa isang noise barrage! πŸ˜€

Anyway, super saya talaga! πŸ˜€ Second time na namin manalo sa department-wide event, at take note: 3 pa lang ang contests sa department namin, so nanalo ang team namin, 2 out f 3 times! πŸ˜€ Masaya rin kasi this time, ‘di siguro kami gaano ma-cri-criticize (or ewan ko na lang) kasi since actually 10 ang teams ng department, ni-combine nila ang 2 teams to make 5 teams for the lantern making contest. At dahil kasama namin ‘yung isa pang team sa glory, sana ‘eh hindi masyadong mainis sa’min ‘yung ibang teams. Ahehe.

Ang totoo, nung dalawang teams na lang ang naiwan, handa na talaga akong mag-clap para ‘dun sa kabilang team. Umabot na nga ‘ko sa, happy na’ko for them na nanalo sila kasi maganda talaga ‘yung parol nila. At iniisip ko na rin kung anong sasabihin ko sa kanila, kung paano ko sila icocongratulate. Pero nakakagulat talaga, kami pa ‘yung nanalo! Hwoooh!! Grabe talaga! Halatang-halata n’yo na ba na tuwang-tuwa ako? Hindi kasi talaga ako makapaniwala! Hay… Buhay nga naman, full of surprises! πŸ˜€ Hehehe.

) ('Di ko na ipopost 'yung pics nung iba kasi nakakahiya, ang ganda nung sa kanila 'eh, baka kumontra pa kayo. Hehe.)
Our lantern πŸ™‚ ('Di ko na ipopost 'yung pic nung ibang lantern kasi maganda talaga 'yung sa kanila 'eh, baka kumontra pa kayo. Hehe.)

(P.S. Kaya pala may “again” ‘dun sa subject nitong e-mail kasi nga kami rin yung team na nanalo ‘dun sa isang event before: We Won! We Won! πŸ˜„)

Advertisements

11 thoughts on “We Won! We Won! XD (Again!!)

    1. Hello! Thanks for the comment pero pasensya ka na, kahit anong bola ang sabihin mo, hindi ko masasabi kung paano ginawa ‘yung parol kasi hindi ako ‘yung gumawa ng karamihan niyan. Ako lang ang nag-tape nung mga wrapper ‘dun sa frame na kahoy at ‘yun lang ang alam kong gawin regarding sa project na ‘yan.
      Pero kung kailangan mo sa school, hanap ka na lang kung paano gumawa ng frame ng parol. Pag may pattern ka na, madali mo na lang mafifigure-out kung ano ang gagawin for the rest of it. Good luck! πŸ™‚ Sana mataas ang grade na makuha nyo.

  1. nice parol i love et! sana manalo din ako sa competition for the sake of our SECTION kahit may misunderstanding pa kami ng REST OF THE SECTION … sana pede gumaya 😦 well congrats to you po πŸ™‚ nice one! and you know things happen in life eventhough you don’t even expect it πŸ™‚

  2. saan po ba ako makakahanap ng frame?? kasi mag isa lang ako sa parol competition namin sa school eh ..iniisnob pa po nila ako haaaaaaaaaaaaaayyyyyyy
    …….sana suportahan nila ako kahit mag isa lang ako πŸ™‚ hahahaha loner πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s