Life

There’s a Dinosaur Outside my Window

Wala lang. Wala talaga akong sasabihin. Gusto ko lang ‘yan gawing title ng blog post, pero wala akong maisip na content. Sasabihin ko na lang kung bakit ko ‘yan naisip na title.

Kasi meron talagang dinosaur sa labas ng bintana ko. Promise. Hindi ito play of words, or trick statement. Hindi tipong laruan na dinosaur or kunwari, building na ang pangalan ‘eh “Dinosaur”. Alam kong iniisip n’yo. Imposible ‘yun. Wala nang dinosaur sa mundo. Extinct na sila matagal na. Sa museum na lang sila makikita. Pero wala naman ako sa museum at may nakikita ako. Hindi ko rin alam kung paano. At eto pa: Ako lang ang nakakakita sa kanya. Sa tuwing dumudungaw ako sa labas ng bintana, nakikita ko siya (P.S. May Tagalog word ba for “dinosaur”?). Pero ‘pag tinatanong ko ang iba kong officemates, hindi nila nakikita. Wala daw kahit ano, kahit “something resembling a dinosaur” ay wala silang nakikita. 😯

So eto ang conclusion ko: Multo siya. Mayroong nagmumultong dinosaur, at nasa labas siya ng building namin, sa may bintana ko. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung paano, pero kung totoo ang sinasabi ng tatay ko na nakikita niyang muli ang namatay na naming aso tuwing may nirerenovate sa bahay namin (dahil galit ang aso namin sa mga karpintero, naiingayan siya sa kanila), ay posible rin sigurong magmulto ang mga dinosaur. Siguro hindi lang natin napapansin dahil masyado silang malaki, at tuwing nasa kalsada tayo ‘eh mga paa lang nila ang nakikita natin, at siyempre dahil malaki nga, ‘eh hindi sila talaga mukhang paa. Baka mukha lang halaman, o kaya putikan.

‘Yon. Baka lang naman. Malay natin.

Advertisements

2 thoughts on “There’s a Dinosaur Outside my Window”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s