In Tagalog…

Nais kong masanay magsulat gamit ang dalawang wikang naniniwala akong pareho ko nang alam na alam. Ang isa, dahil nagagamit sa pang araw-araw na usapan (ito ‘yun), at ang isa naman, dahil nagsososyal-sosyalan ako ‘pag may kasamang ibang tao (No, that’s not true, I’m only making biro you know). Kung kaya’t napag-desisyunan ko na ang susunod kong mga isusulat dito ay gagamit ng parehong wika. Hindi ko na lalagyan ng pagsasalin ang mga ito. Malaki kasi ang posibilidad na ang mga isusulat ko sa wikang Filipino ay tungkol sa mga bagay na ‘di naman nakaka-interes sa mga hindi nagsasalita ng Filipino. Pero kung ang gusto mong paniwalaan ‘eh tamad ako, kaya ayokong magsalin ng mga isinulat ko, pwede rin naman. Hehe. πŸ˜›

Kung nagtataka ka kung bakit ko ito naisipan, ‘yun naman ay dahil ayaw kong mawala ang mga bagay na natutunan ko. Oo, ibig kong sabihin na madalas ako nagsusulat gamit ang Filipino dati. Nung hayskul (at oo, Filipino ang salitang “hayskul”, itanong mo pa sa kahit sinong guro sa Filipino).

Nagsusulat ako noon para sa pahayagang Filipino ng eskwelahan ko. Mas-masaya kasi magsulat ng Filipino nun ‘eh, lalo ‘yung mga maikling kwento at tula. Simple lang ang mga salita. Halos lahat magka-sukat at magkta-tugma. At mas-makatotohanan ang dayalogo ng mga tauhan sa maikling kwento. At sa Filipino, pwede kang mag-English paminsan-minsan. Pero sa English, ‘di ka pwede mag-Filipino. Kasi kung gawin mo ‘yun, it’d sound so kakaiba like this, right? ‘Di kagaya ng kung sabihin kong “Hindi naman gaano weird ‘yung ganitong sentence, diba?”

Medyo naging mahirap din dahil aminin na natin, mas-nirerespeto sa Pilipinas ang mga pahayagang Ingles kaysa Filipino (kaya mas-malaki ‘yung budget nila para sa English newspaper. Totoo ‘yan, kasi kung ‘di totoo, bakit sila may scanner, kami wala? At saka bakit nung nasira ‘yung mouse nila, napalitan agad? ‘Yung sa’min hindi?! (wahaha lumang isyu :P)). Pero masaya pa rin kasi naramdaman ko na dahil nga hindi masyadong nakatutok sa’min ang administrasyon ay naging mas-malaya kami para gawin ang mga nais namin.

Kaya naman, titignan ko ngayon kung ganun pa rin ang mangyayari. Magiging mas-malaya rin kaya ang pakiramdam ko sa tuwing susulat ako gamit ang Filipino? πŸ™‚

Advertisements

3 thoughts on “In Tagalog…

  1. hindi ba dapat “in filipino?” hehe, joke lang.

    parang nahiya naman ako sa sarili ko sa post na ito. sa totoo lang, hindi ako marunong sumulat gamit ang wikang filipino. parang di ko matumbok ang punto ko kapag filipino.

    oo nga pala, tungkol sa lumang issue: buti nga kayo may mouse at scanner sa hayskul paper niyo. kami kahit isang turnilyo ng system unit wala, hehe.

  2. @Angus Miranda: Oo nga ‘no! Hehe, kasi sinulat ko muna ‘to sa notebook ko with the “working title” In Tagalog, and used “Tagalog” to refer to our language as I wrote it. But when I posted it here, I decided to change it into “Filipino” since that’s the official/international name. But I forgot to change the title! πŸ˜› Hehe, oh well. ‘Di ko na palitan kasi parang expression rin ‘yung “In Tagalog”, and “In Filipino”, although correct, wouldn’t have the same impact (I think). But thanks for pointing it out! Hehe. πŸ™‚

    BTW, kung wala kayong computer nun, paano kayo nag-layout? ‘Yung literal na cut & paste? -_- Mahirap ‘yun ‘ah!

  3. di naman. may computer naman sa printing press namin, ahehe. encoder ako at may estrangherong naglelay out para sa amin. at ang nakakalungkot, naka isang issue lang kami sa ilalim ng aking term (due to lack of funds). yung mga features na hindi nalimbag, lumitaw the next school year. at graduate na ako nun. hay. mga memories.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s